-- Advertisements --
Idineklara ng World Health Organization (WHO) na Ebola-free na ang Uganda.
Ito ay dahil sa mahigit apat na buwan na wala ng naitalang bagong kaso.
Ayon kay Ugandan health minister Jane Ruth Aceng na kanilang na-kontrol ang pagkalat ng nasabing virus kahit wala pang bakuna laban dito.
Noong Setyembre 2022 kasi ay mayroong 143 katao ang dinapuan ng Ebola kung saan kumitil ng buhay ng 55 na tao.