-- Advertisements --

Pinaghahanda ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang buong mundo dahil sa posibilidad na maaari pang tumagal ang coronavirus pandemic.

Nagbabala rin si Ghebreyesus na sa kabila nang nakikitang pagbaba ng infection rate sa Western Europe ay nakikitaan naman ng upward tren sa Africa, Central at South America.

Dagdag pa nito na karamihan sa mga bansa ay nasa unang stage pa lamang ng epidemic.

“We have a long way to go. This virus will be with us for a long time,” ani Ghebreyesus.

Nagpahayag din nang pagkabahala ang executive director ng WHO Health Emergencies Program na si Michael Ryan dahil sa mabilis na pagkalat ng nakamamatay na virus lalo na sa mga bansa na walang maayos na medical system.

Ayon kay Ryan, nakakita umano sila ng 250-300 percent increase sa African nations sa loob lamang ng isang linggo.

“We are at the beginning in Africa,” saad ni Ryan.

Isinagawa ang naturang news conference matapos pumirma ang halos 990,000 katao mula sa buong mundo ng online petition para sibakin sa pwesto si Ghebreyesus.

Hanggang ngayon din ay umaasa pa si Ghebreyesus na muling ikokonsidera ng Estados Unidos ang desisyon nitong pansamantalang pagbibigay ng pondo sa ahensya.