-- Advertisements --
Magsasagawa ang World Health Organization (WHO) ng pinakamalaking global deployment ng cholera rapid diagnostic test.
Ayon sa WHO na ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng cholera sa buong mundo.
Unang nakatanggap ng test ang Malawi.
Mayroong kabuuang 1.2 milyon tests ang ipapakalat sa 14 high-risk countries sa mga susunod na buwan.
Layon nito ay para mapabilis ang pagtukoy ng outbreaks.
Kasama ng WHO ang Gavi vaccine allieance na siyang magpopondo at ang UN children’s agency o UNICEF na siyang bahalang bibili ng mga test kits.