Sinupalpal ni US Health and Human Services Secretary Alex Azar ang World Health Organization (WHO) at Chinese Communist Party dahil sa kanilang pagharang upang ibalik ang observr status ng Taiwan sa nasabing organisasyon.
Si Azar ang pinaka-mataas na US official na bumisita sa Taiwan simula noong magkalamat ang diplomatic ties sa pagitan ng Taiwan at Estados Unidos halos apat na dekada na ang nakakaraan.
Noong Lunes nang makipagkita sito kay Taiwanese President Tsai Ing-wen at Health and Welfare Minister Chen Shih-chung, na siyang namumuno sa bansa sa pakikipaglaban nito sa COVID-19.
Dito ay sinabi ni Azar na inutusan siya ni President Donald Trump na ayusin ang observer startus ng Taiwan ngunit hinarang umano ito ng Chinese Communist Party at WHO.
Simula pa kasi noong 2009 ay sumasali na ang Taiwan sa annual assembly na ginagawa ng WHO subalit taong 2017 nang biglang itigil ng international body ang imbitasyon para sa nasabing bansa. Ito’s isang taon matapos umupo sa pwesto si Democratic Progressive Party Tsai Ing-wen.
Sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Tsai na lubha siyang nalulungkot sa agharang ng Beijing sa mga plano ng Amerika. Hindi raw kasi dapat idamay ang political factor pagdating sa usapin ng basic human right to health.
Tiniyak naman ni Azar na patuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng US sa Taiwan