-- Advertisements --

Ibinahagi ng World Health Organization na kalahati ng naitatalang coronavirus cases sa halos kabuuan ng Latin America ay nagmula sa bansang Brazil.

Sa kasalukuyan ay pumalo na ng mahigit 3,000,000 ang kumpirmadong kaso ng deadly virus sa Latin America at Carribean kung saan 1.5 milyon dito ay galing sa nasabing bansa.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang WHO dahil sa mabilis na pagdagdag ng kaso bawat araw.

Sinigurado naman nito na tuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang kontrolin ang pandemic na naging dahilan upang maparalisa ang buong mundo.

Hiniling din ng ahensya ang agarang paggaling ni Brazilian President Jair Bolsonaro na nagpositibo na rin sa COVID-19 makaraang balewalain ang mga health protocols na ipinapatupad ng kaniyang gobyerno.

Ayon pa sa international body walang pinipili ang deadly virus kung kaya’t kinakailangan ng bawat isa na mag-ingat at sumunod sa mg panuntunan na inilalatag ng iba’t ibang bansa.