-- Advertisements --
Nanawagan ang White House ng mapayapang kilos protesta sa mga unibersidad sa US.
Sinabi ni National Security Council spokesman John Kirby na mayroong ng 274 katao sa apat na unibersidad ang kanilang naaresto nitong weekend lamang.
Ilang linggo na ng binulabog ang mga unibersidad sa US ng mga pro-Palestinian protest.
Sinabi pa ni Kirby na kanilang nirerespeto ang karapatan ng mapayapang kilos protesta.
Magugunitang nagsimula ang kilos protesta sa Columbia University sa New York at mula noon ay mabilis na itong kumalat sa bansa.