-- Advertisements --

Humirit ang White House ng $1.5 trillion na pondo para sa defense spending sa susunod na taon.

Ito na ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng US.

Ang nasabing bilang ay mas 40 porsyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Nangangahulugan ito ng dagdag na $445 bilyon na pondo.

Layon nito na makabili ng mas maraming bala, armas at pagtayo ng US naval fleet.

Inaasahan din na gagamitin ang pondo para sa pagtatayo ng Golden Dome missile defense system ang siyang pangunahing pangarap ni US President Donald Trump na maging armas ng US.