Ipinagtanggol ng White House si US President Donald Trump dahil umano sa alegasyon na pagtatago nito at hindi pagpapakita sa publiko sa kasagsagan ng malawakang kilos protesta sa US.
Sinabi ni White House press secretary Kayleigh McEnany, na makailang beses nitong nakausap ang US President at nagbigay pa ng ilang mga utos kung paano hawakan ang sitwasyon.
Kinukumusta rin aniya ni Trump ang mga ibinibigay niyang mga ventilators sa iba’t-ibang mga bansa.
Reaksyon ito ng White House sa batikos na nagtatago umano si Trump sa kasagsagan ng nangyayaring kilos protesta sa malaking bahagi ng US.
Magugunitang nagpakalat na rin ng mga national guard at active Duty US Military Forces para mabantayan ang anumang maling hakbang na gagawin ng mga protesters.
Ilang mga lungsod na rin ang nagpatupad ng malawakang curfew para mapigil ang mga protesters na magkalat sa kalye.
Magugunitang lumabas sa autopsiya na namatay sa Asphyxia o kawalan ng oxygen si Floyd matapos na ito ay sakalin ng mga kapulisan sa Minneapolis.