KALIBO, Aklan – Mas lalo pang bumaba ang lebel ng coliform content sa white beach o baybaying kadalasang pinapaliguan ng mga turista sa Boracay.
Sinabi ni Natividad Bernardino, general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG), na ito ay indikasyon na malinis na ang tubig sa lugar.
Sa 2020 yearend report ng BIARMG, ilan sa kanilang accomplishment ang mahigpit na pagpapatupad ng 25+5 meter easement rule mula sa dalampasigan, kung saan sa kabuuang 330 na establisimento ay 90 na lamang ang non-compliant.
Ang average aniya na fecal coliform level sa white beach ay “10 most probable number (mpn) per 100 milliliters” kompara sa naitalang 900 mpn per 100 ml bago ipinasara ang isla may dalawang taon na ang lumipas.
Ang kailangan umanong coliform level para sa anumang water sports activities ay 100 mpn per 100 ml.
Patuloy pa ang construction sa ilang bahagi ng kalsada at drainage system.
Kumpiyansa si Bernardino na matatapos nila sa itinakdang panahon ang rehabilitasyon sa isla bago matapos ang kanilang termino.