-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ikinatuwa rin ng mga white at black Americans ang naging desisyon ng korte sa Minneapolis Minnesota sa amerika matapos mahatulan ng guilty si Derek Chauvin sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Sa panayam ng Bombo radyo Davao kay Bombo international correspondent Gigi Walinski, residente ng Catalunan Grande nitong lungsod at kasalukuyang naninirahan sa Minnesota, USA marami umano ang naghintay sa naging desisyon ng korte patungkol kaso sa pagkamatay ng black American nga si George Floyd na siyang dahilan naman na nabuhay ang isyu ng racism sa Amerika.

Sinabi rin ni Walinski na minsan ng naging jury, na bago hinatulan ng korte ang kaso ni Chauvin, may mga pinipiling jury na magbibigay ng kanilang desisyon sa korte sa nasabing kaso kung saan 50 percent sa mga ito ay mga white Americans at 50 percent rin ay mga black Americans jury ito ay para masiguro na hindi magiging bias ang kanilang hatol.

Dagdag pa nito na mismong ang mga Police officer na kasamahan ni Chauvin ang nagbigay ng kanilang testimonya at sinabing hindi rin sila pabor sa ginawa ng kanilang kasamahang pulis.

Sinasabing mayorya ngayon ng mga estado sa Amerika ay gustong magkaroon ng “healing” matapos ang nasabing insidente at isantabi na ang isyu ng racism sa bansa.