LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang Department of Tourism (DoT)-Bicol na malaki ang maitutulong ng pagsisimula ng whale shark season sa Donsol, Sorsogon sa pagtaas ng tourist arrival sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DoT Bicol Director Benjamin Santiago, inaasahan na ang muling pagdagsa ng mga turistang nais na makita ng personal ang mga butanding.
Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal ang seguridad ng mga bibisita sa lugar na prayoridad umano ng mga otoridad.
Ibinida naman ni Director Santiago na maliban sa whale shark sighting mayroon ring iba pang mga tourist activities sa Sorsogon kagaya ng kayaking, horse back riding at iba pa.
Samantala, inaasahan rin ng opisyal na malaking tulong sa turismo sa rehiyon ang nakatakdang pagbubukas ng Bicol International Airport na target na masimulan ang operasyon ngayong taon.