-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Sarado pa rin ang wet market sa Wuhan City, China kung saan pinaniniwalaang nagmula ang pandemic na coronavirus disease (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng Pinay worker sa Wuhan City na si Chai Roxas, na nangangamba pa rin ang ilang residente sa pagkalat ng sakit kaya hindi pa rin binubuksan ang nasabing palengke.
Sa kabila nito, ilang pamilihan na raw ang nagbukas kung saan nakakabili ang mga residente.
Kapansin-pansin lang daw ang pagiging maingat ng mga Chinese sa kanilang kinakain, kung saan marami nang nabili ng masustansyang pagkain.