Binilinan ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr. ang mga tropa sa probinsiya ng Basilan na maghanda para sa “worst case scenario” ngayong eleksyon.
Ginawa ni Rosario ang pahayag ng bisitahin nito ang mga tropa ng Joint Task Force Basilan nitong Lunes.
Sa pagbisita ni MGen. Rosario, binigyan siya ng security briefing ni Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng JTF Basilan sa paghahanda ng mga tropa sa pagpapatupad ng seguridad sa kanilang area of responsibility ngayong halalan.
Paalala ni MGen. Rosario sa mga tropa, maaring magtanka ang mga terrorist groups na gulihin ang halalan sa Basilan, kaya dapat siguraduhin ng militar na hindi sila magtatagumpay.
Una ng sinabi ng Comelec na nasa 12 lugar sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan na posibleng isasailalim sa Comelec control dahil sa mataas na banta ng karahasan.
Una ng isinailalim sa Comelec control ang dalawang bayan sa Lanao del Norte, ito ay ang Tubaran at Malabang.