-- Advertisements --

Magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Palawan.

Sa kanilang 24-hour forecast, pinayuhan ng Pagasa ang mga apektadong residente na maghanda para sa posibleng flash floods o landslides dahil sa moderate at minsan at malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Sinabi rin ng Pagasa na posibleng makaranas din ng flash floods o landslides sa mga luagar na ito kapag magkaroon ng severe thunderstorms.