Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang kanlurang Afghanistan nitong Linggo, batay yan sa US Geological Survey.
Ang lindol ay tumama pagkaraan ng 8:00 am (0330 GMT) na may epicenter 33 kilometro hilagang-kanluran ng Herat city, ayon sa USGS.
Sinundan ito ng magnitude 5.5 na aftershock makalipas ang 20 minuto.
Walang agarang ulat ng mga nasawi, gayunpaman, sinabi ng mga opisyal ng disaster management sa AFP na nag-iimbestiga pa rin sila.
Karamihan sa mga residente ay natutulog pa rin sa labas isang linggo pagkatapos ng mapangwasak na lindol noong Sabado, dahil sa pangamba sa mga aftershocks na sumisira sa kanilang mga tahanan sa gabi.
Gayunpaman, ang ilan ay nagsimulang matulog muli sa loob.
Matatandaan na noong Oktubre 7, isa pang magnitude 6.3 na lindol at walong malalakas na aftershocks ang yumanig sa kaparehong bahagi ng Herat, na nagpabagsak sa mga bahagi ng mga tahanan sa kanayunan.
Sinabi ng gobyerno ng Taliban na mahigit 1,000 katao ang napatay. Noong huling bahagi ng Sabado, inilagay ng World Health Organization (WHO) ang bilang sa halos 1,400.
Ilang araw pagkatapos ng mga unang lindol, kung saan libu-libong natatakot na residente ang naiwan nang walang tirahan at mga volunteers na naghuhukay para sa mga nakaligtas, isa pang pagyanig ng parehong intensity ang ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng 130 iba pa.
Ang mga lindol ay sinundan ng mga dust storm na puminsala naman sa mga toldang tinitirhan ng mga survivors.