-- Advertisements --

Ilang linggo bago ang pagsisimula ng bagong season ng NBA, nagyabang ngayon ang basketball superstar na si Russell Westbrook sa bagong mukha ng Houston Rockets.

Ginawa ni Westbrook ang pagmamalaki sa ginanap na media day ngayong araw ng team.

Muli kasing magkakaroon ng reunion sina Westbrook at James Harden na dating magkasama noong 2012 NBA Finals sa ilalim pa ng Oklahoma City Thunder.

Ngayong mag-tandem na muli sina Westbrook at Harden sa Rockets, maituturing daw na ang pagsasama nila ng puwersa ay malaking banta sa mga kalabang teams lalo na at ang dalawa ay dating mga NBA MVP.

Nagkasundo umano sina Westbrook at Harden na tutal nakamit naman nilang dalawa ang pinakaprestihiyosong individual honors, panahon na raw na matikman naman nila ang pagiging kampeon.

Sa darating na October 22 na ang pagsisimula ng pinaka-exciting na 2019-2020 NBA season.