-- Advertisements --

Inakusahan ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov ang Western countries sa pagdedeklara umano ng “total war” laban sa Russia at sa mamamayan at kultura nito sa gitna ng nagpapatuloy na military operation ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ni Lavrov na ang culture ng pagkansela sa Russia at sa lahat ng konektado sa kanilang bansa ay umaabot na sa puntong wala na itong katuturan.

Inakusahan nito ang pagbabawal ng west sa mga writers, composers at iba pang cultural figures ng Russia.

Ayon pa kay Lavrov, umigting pa umano ang efforts ng estados unidos na macontain ang kanilang bansa.

Aniya, ginagamit ng US ang lahat ng paraan mula sa unilateral economic sanctions hanggang sa pagpapakalat ng false propaganda sa global media.

Magugunitang, pinatawan ng western ang Moscow ng mga unprecedented sanctions matapos na magpadala si Russian President Putin ng kaniyang mga sundalo sa Ukraine noong February 24.