Umapela Department of Justice (DOJ) ang mga abogado ng isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na palayain na ito kasunod ng pagkaka-aresto nitong Lunes.
Batay sa liham na ipinadala ni Atty. Kristian Vicente Gargantiel, iginiit nito sa DOJ at National Bureau of Investigation na walang sapat na basehan para manatiling naka-detine ang co-owner na si Brian Sy.
Bukod dito, hindi pa rin naman daw kinakasuhan ang WellMed official kahit lagpas na sa 36-hour period ng Revised Penal Code ang detensyon nito.
“Up to this date, despite the lapse of 36-hour period provided under Article 125 of the RPC (Revised Penal Code), no information nor complaint has been filed with the proper judicial authorities against Mr. Sy,â€
Kung maaalala, una ng ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 20 ang petisyon ng kampo ni Sy na kumu-kwestyon sa validity ng pag-aresto rito.