-- Advertisements --

Magsasagawa ng serye ng mga webinars ang Department of Education (DepEd) para sa mga magulang at mga guro para matulungan ang kanilang mga anak na makapag-adjust sa distance learning.

Ayon sa DepEd, nakipagtulungan sila sa National Educators Academy of the Philippines para maglunsad ng webinars kung saan inaasahang matatalakay ang karapatan ng mga kabataan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“It aims to capacitate school leaders, teachers, and parents on child rights in education, child protection in education in the time of COVID-19, and positive discipline in education for parents and guardians,” saad sa pahayag ng DepEd.

Mayroong 14 na episode ang webinar, na tatagal hanggang unang linggo ng Oktubre.

Ieere ang webinar series sa social media page ng kagawaran.