-- Advertisements --
water supply maynila

Ilang mga lugar sa bansa nakararanas nang pagkawala ng supply ng tubig dahil sa hagupit ni super typhoon Karding.

Kabilang sa mga nakararanas ngayon ng water supply interruption ay ang mga barangay sa Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Manila, Paranaque, Pasay at Quezon City simula kaninang alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Nag-anunsyo na rin ang Norzagaray Water District na kinakailangan daw nilang i-shut down pansamantala ang Philhydro, kung saan 90% ng supply ng tubig sa Norzagaray Bulacan ay nanggagaling dito.

Sa ngayon, ina-assess ang sitwasyon ng mga lagoons dahil umano’y sa pag-apaw ng tubig na nagmumula sa mga ilog.

Dagdag pa sa kabilang na walang supply ng tubig ay ang Concepcion, Tarlac bilang isa sa mga apektado ng super typhoon Karding.

Samantala, ilang mga barangay din sa Imus Cavite ay nakararanas na rin ng pagkawala ng supply ng tubig simula kaninang alas-8 ng umaga at aabutin ng hanggang alas-2 ng madaling araw bukas, ika-27 ng Setyembre dahil sa malabong tubig na ibinubuga ng Ipo Dam.

Una rito, nag-abiso na ang iba’t ibang water services sa bansa na kung maaari ay mag-ipon na raw ng tubig para may magamit kung sakaling magkaroon ng emergency water service interruption.

Ang pagtaas daw ng turbidity o iyong paglabo ng raw water mula sa Angat at Ipo dams ay dahil daw sa malakas na buhos ng ulan na kung saan ay nagbawas din ng water production sa treatment plants ng mga water services sa bansa. (With reports from Bombo JC Galvez)