Tiniyak ng DA na kanilang palawakin ang paggamit ng water saving technology sa mga sakahan dito sa ating bansa.
Ito ay isang adaptation at mitigation efforts ng ahensya na labis na apektado ng El Niño phenomenon partikular na ang sektor ng agrikultura
Layon nito na matutukan ang mga palayan ng sa gayon ay makapagtanim pa rin ang mga magsasaka ng kanilang crops kahit na tipid sa tubig .
Ayon sa DA, ito ay alinsunod sa E.O. no 53 ni PBBM na siguruhing matutugunan ng mga magsasaka sa gitna ng bansa ng El Nino.
Sa naging pagpupulong ng Task Force El Niño, pangunahing natulkoy ang “Alternate Wetting and Drying” farming strategies na sinasabing makatutulong sa mga magsasaka.
Sinabi naman ni DA Asec. U-Nichols Manalo,, higit 1 million na magsasaka ang naaabot ng ahensya para sa implementasyon ng nasabing proyekto sa tinatayang 15,000 ektarya ng palayan.
Maliban dito ang target rin ng ahensya na maabot ang higit 26,000 ektarya ng pananim. (With reports from Bombo Victor Llantino)