-- Advertisements --

Aminado si Local Water Utilities Administration (LWUA) Chief Jeci Lapus na posibleng matagalan pa bago ganap na maibalik ang serbisyo ng inuming tubig sa isla ng Catanduanes.

Ayon kay Lapus, malaki ang naitalang pinsala sa kanilang mga pasilidad na tinamaan ng supertyphoon Rolly noong nakaraang linggo.

Ayon pa kay Administrator Lapus, ang mga materyales nila para sa restoration ay nanggagaling pa sa mainland ng Luzon, kaya talagang natatagalan kapag may mga kailangang gawin.

Nakadagdag pa sa problema ng LWUA ang pagtataas ng signal number one (1) sa Catanduanes, simula kagabi, dahil sa tropical storm Ulysses.

Bawal na kasing maglayag ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa nasabing isla, maging ito ay palabas o papasok sa probinsya.