-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang paghingi ng paumanhin ng Maynilad dahil sa nararanasan ng kanilang mga consumers na rotational water interruption.

Ayon kay Jennifer Rufo, head corporate communication office Maynilad, magtatagal pa ang naturang interruption hanggang Nobyembre 29.

Aniya, marami raw kasing putik ang pumasok sa kanilang planta dulot ng mga nagdaang bagyo pero sa ngayon ay isang basin na lamang ang kanilang nililinis.

Pero nangako naman itong hindi na raw magkakaroon pa ng extension sa mga interruption na nagtatagal din ng ilang oras.

Aminado naman itong apektado pa rin ng rotational interruption ang mga matataas na lugar gaya ng ibang lugar sa Caloocan, Fairview at Commonwealth sa Quezon City maging sa Cavite.