Tiniyak ng Metro Manila water concessionaires ang maagang paghahanda para matiyak na sapat ang dadaloy na tubig sa rehiyon, sa pagpasok ng tag-init.
Ito ay sa kabila ng naitatalang mababang antas ng tubig sa mga water reservoir dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.
Ayon sa Manila Water, may mga mitigating measures na silang nakalatag sa pagpasok pa lang ng taong 2024.
Umaabot kasi sa 7.6 million customers ang kanilang kailangang serbisyuhan sa panahon ng dry season.
Maging ang Maynilad ay may mga nakalatag na ring plano, ngunit aminadong nakatuon pa rin ang atensyon sa mga biglaang pagbaba ng supply mula sa mga dam.
Kabilang sa isinasakatuparan ng water concessionaires ay ang backwash recovery systems sa La Mesa Treatment Plant at Balara Treatment Plants.
Mayroon na ring third backwash recovery system na inaayos sa Cardona Treatment Plant sa lalawigan ng Rizal.
-- Advertisements --