Reading Time: 1 minute

OAKLAND, California — Nagtapos si Stephen Curry na may 38 points at nakagawa pa ng walong 3-pointers para igupo ng top-seeded Golden State Warriors ang Los Angeles Clippers sa 121-104 victory sa kanilang playoff opener.

Kapwa naalis sa court sina Kevin Durant at Patrick Beverly sa huling 4:41, o 19 seconds matapos na makatanggap sila ng double-technicals.

Samantala, naipasok ni Curry ang walo sa 12 attempts niya sa 3-point lane para higitan ang career postseason 3s ni Ray Allen (385) sa 386.

Bukod dito, nakapagtala rin si Curry ng career-high 15 rebounds at pitong assists.