-- Advertisements --

Hindi pa tiyak ng Golden State Warriors kung kailan makakabalik sa paglalaro ang kanilang star player na si Stephen Curry.

Ito ay matapos na magtamo siya ng injury sa kaniyang tuhod.

Nakuha nito ang injury sa panalo nila kontra Dallas Mavericks 119-113 nitong Sabado.

Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na maaaring matagalan pa siya bago makabalik sa paglalaro.