-- Advertisements --
Nagkita na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.
Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.
Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga.
Mayroong dalawang laro kasi ang Warriors at Washington Wizards sa Japan.
Nauna rito ay nagpalitan ng mensahe sina Curry at Suga sa social media bago ang kanilang pagkikita.