Nakalusot ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals.
Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa game.
Nanguna sa diskarte ng Warriors si Jordan Poole na may career-high na 31 points mula sa bench, at nagtala pa ng playoff-best na 5 of 10 sa 3-point.
Nagdagdag naman si Stephen Curry ng 24 points at si Klay Thompson ay nagtapos sa 15 puntos.
Ang kasamahan nila na si Draymond Green ay sa first-half pa lamang ay na-eject na sa game.
Sa panig naman ng Grizzlies, si Ja Morant ang All-Star point guard at NBA’s Most Improved Player ay nagpakawala ng 34 points at 10 assists, habang si Jaren Jackson Jr. ay napantayan ang season high na anim na mga 3-pointers mula sa kabuuang career-high na 33 points.
Sa Miyerkules muling magtutuos ang magkaribal na team para sa Game 2.