-- Advertisements --
Itinuturing ng Golden State Warriors na magiging crucial sa kanila ang Game 4 Finals sa pagitan nila ng Boston Celtics.
Ito ay dahil sa hawak ng Celtics ang 2-1 na kalamangan sa kanilang best of seven finals.
Sinabi nit Warriors head coach Steve Kerr na kailangan nilang maipanalo ang laro kahit sa home court pa ito ng Celtics dahil tiyak na mahihirapan sila kapag naitala ng Boston ang 3-1 defficits.
Ilan sa mga nakikitang paraan nila ay ang mas matinding paglalaro na ipapamalas ni Draymond Green.
Hindi kasi gaanong nakapaglaro si Green noong Game 3 matapos na ito ay nadepensahan ng Celtics.