May pagdududa pa rin ang mga opisiyal ng Golden State Warriors sa tunay na kalusugan ng kanilang star player na si Klay Thompson.

Ayon kay Golden State general manager Bob Myers, na kanila munang oobserbahang mabuti ang kalagayan ni Thompson kung puwede na itong isabak sa laro.

Kailangan aniya na dumaan ito sa ilang mga pagsasanay para mapatunayan na maaari na itong makapaglaro.

Magugunitang hindi na tinapos ni Thompson ang game 6 ng NBA Finals nila ng Toronto Raptors dahil sa injury sa tuhod.

Matapos nito ay patuloy ang kaniyang paggaling sa bahay niya sa California.