-- Advertisements --

Pumanaw na ang assistant coach ng Golden State Warriors na si Dejan Milojevic sa edad na 46.

Ayon sa koponan na inatake umano ito sa puso kaya itinakbo siya sa pagamutan.

Subalit hindi na ito nagtagal at tuluyan ng pumanaw.

Si Milojevic ay dating manlalaro ng Serbian national team.

Nagsilbi ito ng coahc ng Mega MIS Belgrade na mula 2012 hanggang 2020 kung saan nakuha nila ang kampeonato sa Serbian Cup noong 2016.

Nagkampeon din ito sa Montenegrin League at sa Montenegrin Cup noong 2021 at mula doon ay kinuha siya ng Warriors.

Tumayo rin siyang assistant coach ni Igor Kokoskov sa Serbian national team mula 2019 at 2021.

Kabilang din si Milojevic ng makuha ng Warriors ang kampeonato noong 2021-22 season.