-- Advertisements --

Nagtutulong-tulong na ang Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers sa pag-apula ng malaking sunog sa isang warehouse sa Brgy. Maly, San Mateo, Rizal.

Nabatid na tone-toneladang tabla ang nakaimbak sa lugar kaya mabilis ang paglaki ng apoy.

Umabot na ito sa 4th alarm kaya kinakailangan na rin ang pagresponde ng mga kalapit na BFP stations, pati na ang nasa Metro Manila.

Naging pahirapan naman para sa ilang fire truck ang pagpunta sa lugar dahil bulubundukin ang kinatatayuan ng nasusunog na warehouse.