-- Advertisements --

Nagbanta na magbibitiw sa kaniyang puwesto si Israeli war cabinet minister Benny Gantz.

Ito ay kapag walang anumang post-war plan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pag-atake nito sa Gaza.

Nagtakda ito ng hanggang Hunyo 8 na deadline sa kaniyang pabibitiw.

Dagdag pa nito na dapat hindi personalin ni Netanyahu ang pag-atake nito sa Gaza.

Magugunitang nagmatigas si Netanyahu kung saan hindi ito titigil hanggang hindi tuluyang mabura ang mga Hamas at mapalaya ang mga bihag.