Arestado ng mga tauhan ng PNP ang isang miyembro ng Lost Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga del Norte.
Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ang naaresto na si Kayser Martinez alias Alihamra Martinez, 37-anyos.
Naaresto si Martinez ng mga Pulis sa ikinasang operasyon sa bahagi ng Siocon batay sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong multiple murder.
Miyembro si Martinez ng MILF Lost Command sa ilalim ng grupo nina Hairulla Hassan alias Hayron Hassan at Eddie Namenso alias Commander Liwayway.
Sila ang nasa likod ng madugong pagpatay sa 4 na indibiduwal sa uisakan, Brgy. D. Reconalla sa nasabing bayan nuong Agosto 1999.
Patuloy pa ang ginagawang pagtugis ng mga awtoridad sa pinuno ng grupo at iba pang kasamahan nito na nag ooperate sa lugar.