-- Advertisements --

Suspendido ang ilang klase sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Sabado, Hulyo 11, 2026, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Inday at pinalakas na habagat.

Ayon sa mga lokal na pamahalaan, kabilang sa mga lugar na nagdeklara ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod:

  • Laguna — Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan
  • Tanza, Cavite — Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan
  • Dagupan City, Pangasinan — Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan
  • Caloocan City — Walang face-to-face classes
  • Naic, Cavite — Walang face-to-face classes
  • City of Dasmariñas, Cavite — Walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan
  • Manila City — Walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng kolehiyo at postgraduate levels
  • Marikina City — Walang face-to-face at online classes sa pampubliko at pribadong paaralan
  • Malabon City — Walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan / pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at guro na manatiling updated sa mga anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at mga paaralan kaugnay ng posibleng karagdagang suspensyon o pagbabago sa iskedyul ng klase.