-- Advertisements --
Iniulat ni Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja na walang Pilipino ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na lindol sa Morocco na ikinasawi na ng halos 300 katao nitong gabi ng Biyernes.
Sa kabila nito, patuloy silang nakamonitor sa sitwasyon sa mga resports na manggagaling sa local authorities sa Morocco.
Sinabi din ng PH Envoy na nasa maayos ding kalagayan ang mga kawani ng embahada at kanila ng sinusuri ang sitwasyon din ng Filipino community sa nasabing bansa.
Sa pinakahuling datos ng embahada ngayong taon, nasa 4,600 Pilipino ang nagtratrabaho sa Morocoo. Ilan sa mga ito ay sa households, beauty salons, construction projects at restaurants.