-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nasawi sa nakamamatay na Winter Storm Fern na tumama sa Estados Unidos.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na wala silang natanggap na mga ulat hinggil sa nasawing Pilipino dulot ng snowstorm.
Sa kabila nito patuloy na inaabisuhan ang mga Pilipino sa Amerika na tumawag sa hotline na 911 o sa mga lokal na awtoridad sa kanilang lugar para sa emergency.
Base sa report ng local media, nag-iwan na ang winter storm ng nasa mahigit 30 katao nasawi habang halos kalahati ng Amerika ang apektado na ng winter strom na nagpabagsak sa suplay ng kuryente sa libu-libong kabahayan, hindi rin madaanan ang mga kasalda dahil sa makapal na niyebe at nakansela ang ilang flights.









