-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Bong Go na sa kanyang pagkakaintindi, walang partikular na kasong tinutukoy si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong binuwag niya ang oligarch sa bansa kahit hindi nagdedeklara ng Martial Law.

Sinabi ni Sen. Go, wala namang inihayag si Pangulong Duterte kung sino pero dinidiinan niya na sa nakaraang mga taon na nilalabanan ang mga tiwali at mga abusado hanggang nagkakataong lumalabas din ang katotohanan kaugnay sa mga maling pamamalakad ng iilang mga grupo o kompanya sa bansa.

Ayon kay Sen. Go, sa ngayon ay unti-unti na ring nabubuwag ang sistema ng oligarkiya sa bansa kahit walang pagdedeklara ng Martial Law.

Tiniyak din ng mambabatas na hindi titigil si Pangulong Duterte sa paglaban sa mga oligarchs, terorista, kriminal at mga korup na opisyal na mga kalabang banta sa demokratikong buhay ng mga Pilipino.

“Sa pagkakaintindi ko, the President was not pertaining to any specific case but was talking about the impact of the administration’s continuing fight against corruption in his address to the military recently,” ani Sen. Go.