-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Veronica Duterte o mas kilala bilang “Kitty” ang kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte na kasalukuyang nahaharap sa mga reklamong impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa isang panayam na sa social media, iginiit ni Kitty Duterte ang integridad ng kanyang kapatid.

“I know my sister. I know that she can be many things, but she’s not a thief. She’s not dishonest,” pahayag ni Kitty.

Dagdag pa niya, naniniwala siyang malalampasan ng ate niya ang pagsubok na pinagdadaanan nito.

Samantala, kasalukuyang nasa The Hague si Kitty Duterte kung saan nakadetine ang kanyang ama na si Pang. Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Ayon kay Kitty, hindi niya sinabi sa kanyang ama ang tungkol sa impeachment upang hindi na ito makadagdag sa kanyang dinadala.

Noong Huwebes, humiling ang kampo ni Rodrigo Duterte ng pahintulot upang iapela ang desisyon ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber I na nagkumpirma sa mga kasong crimes against humanity laban sa kanya.