Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling stable ang presyo ng media noche items at basic necessities at prime commodities hanggang sa New year’s eve.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, walang magiging paggalaw sa presyuhan maging sa media noche items hanggang sa Disyembre 31.
Kabilang dito ang ham, queso de bola, fruit cocktail, all purpose cream, spaghetti.
Ito ay kasunod na rin ng naging commitment ng mga manufactirer na walang magtataas ng presyo at mananatili ito alinsunod sa itinakda sa price guide.
Ang mga basic necessities at prime commodities naman gaya ng canned sardines, condiments at tinapay ay wala ding pagtaas sa mga presyo hanggang sa katapusan ng taon.
Magsisimula naman ang pagpapatupad ng paggalaw sa mga presyo sa susunod na taon kapag nagsimula ng maglabas ang DTI ng approval of notices matapos na hilingin ng 18 manufacturer ng umento sa 63 items gaya ng tinapay at kape.