-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi nito inirerekomenda ang pagtaas ng carrying capacity sa Boracay sa kabila ng pagdagsa ng mga turista sa dinarayong isla sa bansa.

Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa si DILG Undersecretary Epimaco Densing sa publiko dahil papanatilihin pa rin aniya ang 19,215 tourists carrying capacity sa Boracay island dahil subject pa rin ito para sa review sa kada tatlo hanggang limang taon.

Hinikayat naman ng opisyal ang concerned authorities na limitahan ang tourist arrivals ng hanggang 7000 kada araw upang maiwasang lumagpas sa 19,000 na carrying capacity sa naturang isla.

Babala din ni Densing na sakali man na may lalabag sa itinakdang carrying capacity, iisyuhan ang mga local officials ng show cause order para pagpaliwanagin.

Aniya, dapat na imonitor ng mga concerned agencies at local government units ang sitwasyon sa Boracay para malimitahan ang bilang ng mga biyahero.

Ayon kay Densing, bumaba sa 18,000 mula sa 22,000.ang tourist arrivals noong nakalipas na linggo.