LAOAG CITY – Iginiit ng Philippine Drug Enforcemant Agency (PDEA) Region 1 na walang pagawaan ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Regional Director Bryan Babang, posibleng nakakapasok ang iligal na droga sa rehiyon dahil sa smuggling at sa mga coastal areas.

Bumababa na umano ang bilang ng mga sangkot sa droga dahil sa patuloy na kampanya ng PNP at PDEA at sa mga ginagawang monitoring.

Dagdag ng opisyal na dumarami na rin ang mga barangay sa rehiyon na idinedeklarang drug cleared barangay.

Kahapon ay nabuksan ang “Balay Silangan” sa bayan ng Piddig na isang pasilidad para sa mga drug surenderee para sa pagbabagong buhay.

-- Advertisement --