Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na may nasawi sa nangyaring pagsabog kagabi sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Albayalde kaniyang sinabi na dalawa ang seryosong nasugatan habang 11 ang nagtamo ng minor to moderate injuries na kasalukuyang ginagamot na sa hospital.

Dagdag pa ni Albayalde, may isang sugatan ang nakalabas na ng pagamutan.

“Two seriously wounded, 1 released from the hospital and 11 minor to moderate injuries. Walang report na may namatay na,” mensahe pa ni Albayalde sa Bombo Radyo.

Sa kabilang dako nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP ukol sa insidente at sinigurong kontrolado nila ang sitwasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here