Walang mga pari at obispo ang humihiling na security escort mula sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni PNP chief police Gen. Oscar Albayalde.

Itoy sa kabila ng mga lumalabas na balita na nakakatanggap ng banta sa kanilang buhay ang mga alagad ng simbahan.

Kung maalala, mismong si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at Caloocan Bishop Pablo David ang nagsabi na may natatanggap siyang death threats dahil sa ginagawang pagbatikos ng simbahang Katolika sa war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay Albayalde na wala siyang nakitang request papers mula sa mga pari o sa simbahang Katolika na humihiling ng security escort.

Pero ayon kay Albayalde na lagi silang nag te text ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle patungkol sa seguridad ng mga pari at maging sa mga naglilingkod sa simbahan.

“Wala kasing rumerekta sa akin or probably to the regional directors. Baka dinadaan ito, I believe na dinadaan ito kay Cardinal Tagle. Everytime I assure kay Cardinal Tagle na we can provide security,” pahayag ni Albayalde.