Walang malawakang evacuation sa ngayon sa gitna ng matinding pag-ulan dala ng bagyong Dodong at hanging habagat sa bansa ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon lamang ipinatupad na isolated evacuation sa ilang mga lugar dahil sa mga pag-ulan.
Sa kabila naman nito, nakaposisyon na ang nasa halos 1.3 million food packs sa buong bansa lalo na sa mga lugar na patuloy na nakakarnas ng malalakas na pag-ulan sa ilang parte ng Luzon at nakahanda ng ipamahagi sa mga apektadong residente.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, simula pa kagabi ay nakaantabay na sila gayundin ang mga lokal na pamahalaan.
Anumang oras ay maaari ng maipamahagi ang naturang mga food packs para tulungan ang mga local government unit partners ng ahensiya.