-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Social Welfare Development (DSWD) ang agarang pagpapalawak sa Walang Gutom Program ng ahensiya ng sa gayon agad ito makarating sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nais ng Pangulo ang mabilis na panahon para palawaik ang programa.

Itoy kasunod ng positibong epekto ng programa kung saan nasa 300,000 pamilya na ang nakapag benepisyo sa programa.

Ngayong pinalawak na ng DSWD ang Walang Gutom Program, target ng ahensiya na matulungan ang nasa 750,000 food-poor families.

Sinabi ni Gatchalian na inaasahan nasa 300,000 beneficiary families ang nakatakdang mapabilang sa programa ngayong taon.

Ipinagmalaki ng ahensiya na ang Walang Gutom Program ay naging factor para bumaba ang insidente ng kagutuman sa bansa.