-- Advertisements --

Binuweltahan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si presidential  chief legal counsel Salvador Panelo dahil sa pangangatwiran nito hinggil sa separation ng Simbahan at Estado.

Sa isang forum, sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary for permanent committee on public affairs ng CBCP, na ang pahayag kamakailan ng CBCP na pumupuna sa Duterte administration ay bahagi ng kanilang obligasyon.

Ayon kay Secillano, bahagi ito ng kanilang moral obligation at prophetic mission naman ng Simbahan.

Iginiit ni Secillano na walang batas ang nagbabawal sa Simabahan na magsalita at pumuna sa mga nangyayari sa lipunan.

Mababatid na sa isang pastoral letter na may petsang Hulyo 16, 2020, pinuna ng CBCP ang “pattern of intimidation” na ginagawa ng administrasyon.

Kabilang na anila rito ang pagsasabatas sa Anti-Terrorism Act of 2020, pagpapasara sa ABS-CBN matapos na hindi ito bigyan ng prangkisa ng Kongreso, at ang umano’y harassment sa mga media personalities.

Ayon kay Panelo, nilabag daw ng pastoral letter na ito ang doktrina ng separation ng Simbahan at Estado na itinatakda ng Saligang Batas.