-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walang aasahan na pinsala ngunit mararanasan pa rin ang mga aftershocks matapos maramdaman ang Magnitude 5.1 na lindol kaninang pasado alas:400 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sentro sa nasabing pagyanig ang 118 kilometro sa silangang bahagi ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

May lalim itong 91 kilometro at tectonic ang origin.

Sa instrumental intensities, nasa intensity I ang General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Alabel at Kiamba, Sarangani

Sinasabing dahil sa mga nakikitang fault line ang dahilan kung bakit ilang beses ng nakaranas ng pagyanig ang nasabing lalawigan.