-- Advertisements --

Walang nakikitang mali si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na “none of your business” ng sinumang Pinoy ang ginawang batas ng China na pwede nang atakehin ng kanilang Coast Guard ang alinmang foreign vessel sa inaangking teritoryo.

Ayon kay Sotto, totoo namang walang saklaw ang Pilipinas ukol sa mga ipinapasang batas ng Beijing, dahil sariling trabaho iyon ng kanilang mga mambabatas.

Ang magagawa lang umano ngayon ay umaksyon sa anumang resulta ng mga gagawin ng China na makakaapekto sa ating mga kababayan.

Una rito, nagsalita sa plenaryo sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Richard Gordon, upang ihayag ang kanilang pagkabahala, dahil ang mga mangingisdang Filipino ang tiyak na maaapektuhan ng bagong Chinese law.

Habang nagsalita rin sa hiwalay na event hinggil sa kaparehong usapin si Sen. Risa Hontiveros.