Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang deployment ban sa kabila pa ng nangyayaring giyera sa Israel na nilusob na ng mga militanteng Hamas.
Sa Malacanang press briefing, ipinaliwanag ni DMW officer-in-charge USec. Hans Leo Cacdac na dapat na itaas sa Alert level 3 ang alerto sa Israel para masuspendi muna ang deployment ng mga OFW. Ang alert level 3 aniya ay para sa lahat ng uri ng manggagawa at Alert level 2 naman para sa bagong hire na mga Pilipino.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs na walang alert level status pa na ipinatupad sa Israel.
Ipinaliwanag pa ni Cacdac na sa ngayon, nagpapatuloy ang deployment ng hotel workers.
Nilinaw din nito na kailangang ma-coordinate muna sa Israeli Labor and Immigration counterparts nito bago magpatuloy kahit na walang ban dahil mayroong government-to-government hiring agreement sa Israel.
Ayon pa kay Cacdac, ang deployment ng mga manggagawa sa Israel ay kasalukuyang naka-hold muna dahil sarado ang Ben urion International Airport sa Tel-Aviv.